February 18th, 2006 by heridera
sabi nila pathetic daw ako…sabi nang iba bitter lang daw talaga..sabi ko naman, naghhintay lang ako, hindi ako naghahanap..sabi nila di daw dapat ganun, dapat daw gumawa ka na ng paraan para maging masaya ka. ang sagot ko naman, masaya din namang maghintay, masaya din namang mag-isip kung minsan. ang hindi lang masaya, kapag akala mo nahanap mo na pero sabi ni lord hndi sya. ewan ko, noong gabing yun, naniwala ako sa divine intervention, sa deus ex machina (tama ba??). hahaha… so, ibig sabihin ba talaga nito, hopeless case na ‘ko at tama sila sa mga sinasabi nila? naglalaba ako ngayon sa crib, syempre nilalabhan ko rin ang mga damit ko nung magkasama tayo ng 3 oras..nilagyan ko ng maraming sabon para matanggal ang lahat ng mga naaalala ko..karamihan, hindi nakakakilig. akala ko, magiging maayos ang kakalabasan, maayos nga, maayos nga ang paghihiwalay.hehehe..natatawa parin ako hanggang nagyon, kasi hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na pathetic, bitter at hopeless na talaga ako.
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
February 17th, 2006 by heridera
We are inviting you to join " Go Ka Na Ba?", a general information quiz bee on February 21, 2006.this is brought to you by UP Prism and UP Oikos.. registration fee;: 75 only! Kaya go na kayo! Masaya to friends! Chill!
Posted in Uncategorized | No Comments »
February 16th, 2006 by heridera
paggising mo sa umaga, iisipin mo na agad kung anong mga nakalinyang gagawin mo sa buong araw..may exams ka, papers, org stuffs, prod..maliligo ka ng mga 10 minutes tapos magaayos ka for another 10, tapos lilipad ka na at hahabulin mo ang oras para matapos ka kaagad at makapaglunch ka naman..hindi ko alam kung kasalanan ko ba kung bakit mnapakarami kong ginagawa..hindi naman ako makatanggi sa mga gawain dahil alam kong wala nang gagawa nito maliban sa akin, o sa amin ng mga katulad kong masaya nang makauwi ng alas onse ng gabi, at nangagarap matulog ng alas-nuebe.di ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil may maiilalagay naman ako sa resume ko kahit papano, o dapat ba muna akong mag-hibernate at bigyan naman ang sarili ko ng oras o kaya bigyan ko naman ang sarili ko ng uhay?hahahah,,char!!
Posted in Uncategorized | No Comments »
February 16th, 2006 by heridera
Posted in Uncategorized | No Comments »